Search the Web

Thursday, August 21, 2014

Adult Neurology

Contact us

Ward 5 Neurosciences Office
UP – Philippine General Hospital
Taft Avenue, Manila
.
PGH trunkline: (+632) 5548400 (connecting all departments)
  • Department of Neurosciences office: 2405
  • Neurosurgery Section office: 2463
  • Pediatric Neurology Section office: 2117
  • Pediatric Neurology Fellows’ callroom: 2117
  • Adult Neurology Section office: 2405
  • Adult Neurology Residents’ callroom: 2401
  • Neurophysio Lab (EEG, EMG, NCV, Evoked): 3156
  • Sleep Laboratory: (+632) 5216973
For Private OutPatient consultations:
  • Visit the UPMC – Faculty Medical Arts Building, PGH Compund
  • Call (+632)7080000 local 121


FAQs (Karaniwang katanungan…)

FREQUENTLY ASKED…
Paano magpakonsulta sa PGH Neuro at iba pang clinic sa PGH (Charity)?
1. Pumunta po sa PGH Outpatient Department sa Padre Faura
2. Pumila nang maaga sa Counter 1 para mabigyan ng blue card (para sa mga new patients) o sa Counter 5 (para sa mga may blue card na)
3. Sa Counter 1 o 5, sabihin kung ano ang ipinapakonsulta at sasabihan kayo  kung saang clinic kayo na-assign
4. Maghintay ng tawag ng doktor sa clinic kung saan kayo pinapunta
Ano ang Blue card at White card?
Blue Card – ID ng pasyente ng PGH, charity man o private
White Card – ID ng mga pasyente ng PGH na “Class D” o indigent, ayon sa pagsusuri ng social worker
Makakakuha ng Blue Card sa unang beses na magpatingin sa PGH.
.
Naka-admit ang pasyente namin sa ibang hospital; gusto namin lumipat sa PGH. Ano gagawin namin?
Charity transfer steps
1. Sabihin sa inyong doktor na gusto ninyong lumipat ng PGH
2. Ang doktor ninyo ang makikipagcoordinate sa mga doktor sa PGH kung maililipat ang inyong pasyente
Private / Pay patient Transfer steps
1. Sabihin sa inyong doktor na gusto ninyong lumipat
2. Kung may kilala kayong PGH doctor, ibigay ang pangalan niya sa inyong doktor upang makapag-usap at makapag coordinate sila.  Kung wala pa kayong kilalang doktor, maaaring tingnan ang ‘Staff’ page ng website upang makita ang listahan ng mga doktor ng Neurosciences.  Maaari ding tumawag sa Neuroscience Office upang magtanong. Tingnan ang ‘Contact Us’ page.
3. Tumawag sa PGH ‘Pay Admitting Unit’ at magtanong kung may bakanteng kwarto. Magtanong na din ng instructions tungkol sa pagpapareserve ng room
4. Maililipat na ang pasyente kung may kwarto na kayo at nakapag coordinate na ang mga doktor ng PGH at ng inyong ospital
.
Naghahanap kami ng doktor… may mai-rekomenda ba kayo…?
Kung sa Charity, pumunta lamang po sa OPD at matitingnan kayo ng doktor o specialist na kailangan. Tingnan sa taas kung paano magpakonsulta.
Kung Private Neurologist o Neurosurgeon ang kailangan, maaari po kayong tumawag sa opisina ng Neuro para makakuha ng contact o clinic information. Tingnan ang ‘Contact Us’ page.
Ano ang clinic schedule ni Dr./Dra. _____?
Kung affiliated sa PGH ang hinahanap nyong doktor, maaari po kayong tumawag sa Neuroscience Dept Office para makakuha ng schedule ng clinic nila.
May Neuropsych / IQ test ba kayo?
Wala pong Neuropsych testing o IQ testing sa Neuroscience Dept.  You may also contact Dept of Rehabilitation Medicine or Dept of Psychiatry.
.
.
Anong mga karamdaman o sakit ang tinitingnan ng Neurologist / Neurosurgeon / Pediatric Neurologist?
Diseases of the brain, spinal cord, nerves and muscles:
Stroke. Infarct. Bleed o hemorrhage. Aneurysm. Arteriovenous malformation o AVM.
Epilepsy.  Seizure. Kombulsyon. Nawawalan ng malay.
CNS infections o mga impeksyon sa utak o spinal cord.  Meningitis. Encephalitis. Abscess. Empyema.
Headache. Sakit ng ulo.
Dizziness. Vertigo.  Pagkahilo.
Brain tumor.  Bukol sa utak.
Traumatic brain injury.  Epidural / subdural hemorrhage.
Congenital malformations of the brain and spinal cord.
Hydrocephalus.
Movement disorders. Parkinson disease.  XDP o Lubag. Dystonia. Tremors. Ataxia.
Dementia.  Alzheimer.  Vascular dementia. Frontotemporal dementia. Prion diseases o CJD.
Polyneuropathy.  Myasthenia gravis.  Guillain-Barre syndrome. Neuropathic pain.  Trigeminal neuralgia.
Multiple sclerosis.  ALS.
Myopathy.  Myositis.
.
.
Anong gamot? Anong dapat gawin? Anong advice?
Hindi po kami nagbibigay sa internet ng specific na advice tungkol sa iba’t ibang sakit. Pinakamagandang makita ang pasyente ng doktor upang makausap at masuri ang kanyang kalagayan. Sorry, we will not answer inquiries asking for advice on specific diseases/ conditions. Thank you.
May problema ako sa puso/ goiter/ tiyan/ dibdib/ bato/ atay/ joints at iba pa…?
Ang PGH Neurosciences ay espesyalista sa utak, spinal cord at nerves. Kung hindi po dito ang inyong karamdaman, maari po kayong pumunta sa PGH-OPD para magabayan/ maituro sa nararapat na clinic. Tingnan sa taas ang “Paano magpakonsulta…”
.
.
Magkano and consultation fee / professional fee ng Neurologist / Neurosurgeon / Pediatric-Neurologist?
Kung sa PGH Charity, wala pong bayad ang doktor.
Kung sa PGH FMAB-UPMC (Private clinic), maaari ninyong tanungin ang clinic secretary ng inyong doktor.
Magkano ang CT scan/ MRI/ Angiography/ blood tests etc…?
Hindi po sakop ng Neuroscience department ang mga tests na ito. Maari ninyong tawagan o i-contact ang Radiology department para sa mga katanungan tungkol sa CT scan, MRI at 4Vessel angiography ng brain.
Magkano ang EEG / EMG/ NCV/ VER/ BAER?
Tingnan po ang “EEG/EMG/NCV rates” page
Magkano ang procedure or surgery?
Hindi po kami nagbibigay ng estimate ng gastos ng operasyon dito sa internet. Pinakamabuting makausap ninyo ang inyong doktor dahil iba-iba po ang kondisyon ng pasyente kaya’t iba-iba din ang maaaring maging gastos ng pagpapa-opera.
.
.
Additional Information for Private Patients:
The UP-PGH Faculty Medical Arts Building is now open. It caters to private patients of PGH doctors. Its Neuroscience clinic is on the ground floor.  It also has laboratory and radiology (CT/MRI) facilities. For more information, visit their site:
Sources
1.Wordpress- PGH Neuro
2. Wordpress PGH FAQs

No comments:

Post a Comment